PUPian : Aktibista ka nga ba?



(isang pananaliksik)


Hindi maikakaila ng mga estudyante ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na marami sa bilang mga estudyante nito ay kasapi ng iba’t ibang grupo ng mga aktibistang nakikilaban sa iba’t ibang karapatan upang mailabas ang iba’t ibang hinaing at kahilingan sa pamahalaan at iba pang sektor nito.

Bahagi ng pananaliksik na pinamagatang “PUPian: Aktibista ka nga ba?” ang paksa sa pagtanggap ng mga PUPian sa pagbabansag sa kanila bilang mga aktibista. Malaking isyu ang kinakaharap noon magpahanggang ngayon ng mga aktibista, hindi lamang sa loob ng pamantasan ng PUP kundi pati na rin sa ibang unibersidad ng bansa. Nakakabit na nga ba sa mga PUPian ang tatak at pangalang “AKTIBISTA” at saklaw ng pakasang ito ang epekto ng pagtawag sa mga PUPian bilang mga aktibistang mag-aaral sa paghahanap ng trabaho at maging sa pakikisalamuha sa mga estudyante ng iba’t ibang unibersidad. Mabuti ba o masama ang pagiging aktibista para sa mga PUPian, tanggap at nagugustuhan ba nila ang pagtawag sa kanila bilang mga estudyanteng aktibista, at higit sa lahat gusto ba nillang mabago ang taguring ito sa mga estudyanteng kaeskwela nila. Ito ang mga katanungang bibigyang kalinawan ng mga mananaliksik para sa pag-aaral na ito.

Bilang bahagi ng unibersidad na ginagalwan, mararapat na malaman ng mga estudyante, para sa pangkalahatan ang iisang boses o boses ng karamihang estudyante tungkol sa isyung AKTIBISMO. Mabuti man o masama, tatanggapin ng mga mananaliksik ang mga kasagutang malalaman nang walang kinikilingan.

Upang mabigyan ng kasagutan at katiyakan ang pananaliksik, isang mahusay na paraan ang "survey". At upang magkaroon ng pantay-pantay na distribusyon ng mga magiging sagot sa aming mga katanungan, magkakaroon ang mga mananaliksik ng 200 na tagasagot na magmumula sa iba't ibang kampus ng pamantasan ng PUP Sta. Mesa. Sa ganitong paraan, makakasiguro ang mga mananaliksik na magkakaroon ng representante ang bawat kampus at magkakaroon ng boses ang lahat sa pamamagitan nito.

At mula sa mga saloobin ng 200 estudyante, makakagawa ang pag-aaral ng malinis, tapat at maayos na kongklusyon para sa ikabubuhay ng pananaliksik. Sa resulta ng pag-aaral, sa huli, magkakaroon ng daan ang mga kasagutan tungkol sa mga hinaing, saloobin at mga tunay na nararamdaman ng mga estudyante ng PUP tungkol sa pagiging “aktibista” ng karamihan sa mga ito. Bahagi rin ng pag-aaral na magbigay aral, rekomendasyon at mga pagbabago kung maaari sa mga sangkot sa pag-aaral na ito.

Ang nasabing pag-aaral ay mabibigyan ng kasagutan o matatapos sa loob ng isa at kalahating buwan depende sa tagal ng pagsagot ng mga estudyante.

Comments

Popular Posts